Psalms 114

1Nang lumabas ang Israel sa Ehipto, ang sambahayan ni Jacob mula sa mga dayuhan na iyon, 2ang Juda ang naging banal niyang lugar, ang Israel ang kaniyang kaharian.

3Nakita ito ng dagat, at tumakas ito; umatras ang Jordan. 4Ang mga bundok ay lumukso na parang mga tupa, ang mga burol ay lumukso na parang mga batang tupa.

5Bakit ka tumakas, O dagat? Jordan, bakit ka tumakas? 6Mga bundok, bakit kayo lumukso na parang mga tupa? Kayong maliliit na burol, bakit kayo lumukso na parang batang tupa? 7Mayanig ka, O lupa, sa harap ng Panginoon, sa presensiya ng Diyos ni Jacob.

Ginawa niyang lawa ng tubig ang malaking bato, ginawa niyang bukal ng tubig ang matigas na bato.

8

Copyright information for TglULB